BABALA AT PAG-IINGAT

 

Potensyal na Maling Pagbasa ng Glucose sa Dugo

Ang mga pasyenteng gumagamit ng EXTRANEAL (Icodextrin 7.5%) solution para peritoneal dialysis therapy ay maaaring may maling resulta ng glucose sa dugo kapag gumamit ng ilang monitor ng glucose sa dugo at mga strip para sa pagsusuri.

Gumamit LAMANG ng mga monitor ng glucose sa dugo at strip para sa pagsusuri na glucose-specific. Ang mga paraang ito ay pangkaraniwan sa mga laboratoryong klinikal.

Ang salitang “glucose-specific” ay naaangkop sa mga monitor o test strip na hindi naaapektuhan ng pagkakaroon ng maltose o ilang sugars. Dahil ang EXTRANEAL (Icodextrin 7.5%) peritoneal dialysis solution ay nagreresulta sa mataas na level ng maltose sa dugo, tanging mga monitor na para sa glucose at test strip ang dapat gamitin.

HUWAG gumamit ng mga monitor ng glucose o mga test strip na gumagamit ng glucose dehydrogenase pyrroloquinolinequinone (GDH-PQQ) o mga pamamaraan ng glucose-dye-oxidoreductase. Bilang karagdagan, ang ilan ngunit hindi lahat ng mga monitor o test strip na gumamit  ng glucose dehydrogenase flavin-adenine dinucleotide (GHD-FAD) na pamamaraan ay hindi dapat gamitin. Ang paggamit ng mga pamamaraang ito ay maaaring magresulta sa maling pagtaas ng glucose sa dugo sa mga pasyente na gumagamit ng EXTRANEAL (Icodextrin 7.5%) dahil sa pagkagambala sa pagbasa ng maltose sa dugo. Ang maling pagbasa ng pagtaas ng glucose sa dugo ay maaaring mag-kubli o mag-mask sa tunay na hypoglycemia o humantong sa maling diagnosis ng hyperglycemia, na magdudulot ng mga kaganapang maaaring magbanta sa buhay ng pasyente.

Upang matukoy kung anong uri ng paraan ang dapat gamitin para sa pagmonitor ng antas ng glucose, suriin ang label para sa PAREHONG monitor ng glucose at mga test strip na ginamit. Kung may pag-aalinlangan, makipag-ugnayan sa tagagawa ng mga monitor ng glucose at mga test strip upang matukoy ang pamamaraan ng paggamit.

Para sa mahalagang impormasyon tungkol sa EXTRANEAL (Icodextrin 7.5%) at mga monitor ng glucose at test strip, pakitingnan ang mga link sa ibaba. Ang mga detalye tungkol sa mga tagagawa ng monitor ng glucose at pagkakatugma ng produkto sa EXTRANEAL (Icodextrin 7.5%) ay kabilang sa Listahan ng Glucose Monitor sa Bansa (sa ilalim ng "Mga Karagdagang Link").

Impormasyon tungkol sa Produkto Admission Kit Mga Karagdagang Link


Download Adobe Reader